Advertisers
MAINIT na pinag-uusapan at pinagtatalunan ngayon ang salitang “Tambaloslos” na pinost ni Vice President Sara Duterte-Carpio kamakailan, matapos sipain sa pagka-senior deputy speaker ng kanyang kaibigang si ex-President ngayo’y Pampanga Representative Gloria M. Arroyo (GMA).
Post ni VP Sara: “Sa imong ambisyon, do not be tambaloslos”. Maanghang na salita ito pero walang binanggit na pangalan kung sino ang pinatatamaan dito ng ikalawa sa pinakamataas na opisyal ng gobyerno ng Pilipinas.
Pero nangyari ang post na ito sa social media ni VP Sara matapos na sibakin si GMA bilang House Senior Deputy Speaker at ang kapalit ay ang kanya ring kabalen na si “Dong” Gonzales.
Hindi man aminin ni GMA, kitang kita ang sama ng loob niya sa ginawa sa kanya ng kanyang mga kaalyado. Bagama’t hindi na siya bago sa balimbingan at sipsipan sa politika dahil nangyari na ito sa kanya nang makulong siya sa ‘Plunder’ kungsaan iniwan siya ng mga pinayaman niya sa loob ng siyam na taon niyang pagiging presidente noon.
Sa kanyang pagsalita, binunyag ni GMA na kaya siya inalis sa puwesto ay dahil nagpaplano raw siyang “ikudeta” laban kay House Speaker Martin Romualdez, ang pinsan ni President B “Bongbong” Marcos, Jr.
Sabi ni GMA, totoo nagplano siya maging House Speaker noong manalo si Bongbong sa pagka-pangulo. Pero naisip nya na mas komportable si Bongbong sa kanyang pinsan para maging lider ng House of Representatives kaya umatras nalang siya, at sinusuportahan ang anumang programa ni Bongbong sa kanyang administrasyon.
Hindi rin naman kasi masisi mag-isip ng masama laban kay GMA ang mga kaalyado kuno ni Romualdez. Mayaroon na kasing history not once but twice si GMA na nang-agaw ng kapangyarihan. Una, dinaya nila si late Fernando Poe, Jr. sa presidential race, pangalawa ay pinatalsik niya sa speakership si Bebot Alvarez during Duterte administration. Mismo!
Dahil bespren ni VP Sara si GMA, kumalas ito sa pagka-chairperson ng ruling party Lakas-CMD at yun na!!! Nag-post na “Sa imong ambisyon, do not be tambaloslos”.
Inalam ko ang kahulugan ng salitang “tambaloslos” sa iba’t inang dialects sa ating bansa. Para sa mga Visayan people, ang ibig sabihin ng tambaloslos ay “pagbubunganga”. Sa mga taga-Mindanao at Bicolano, ito’y halinaw na malaki ang bunganga at titi. Sa mga Waray, ito’y “estupido”. Sa amin naman sa Romblon, malaki ang “bayag” (testicles, balls). Sa Tagalog, “gago”, “sakim”. Hehehe
Kung analisahin mong maige, halos pare-pareho lang ang pinatutungkukan ng kahulugan sa iba’t ibang dialects ng tambalolos, “demonyo”. Hehehe…
Anyway, ang pag-alma nina GMA at Sara ay malaking lamat na para sa mga naghahanda sa midterm at presidential elections. Remember: Si GMA ang tumulong ng malaki para maging pangulo ang ama ni VP Sara pati narin kay Sara mismo. Ang salita ni GMA sa Pampanga ay solido, gayundin ang salita ng Duterte sa Mindanao.
Sabi nga ng opposition Senator Edcel Lagman, ang nangyayaring kaguluhan ngayon sa pagitan ng magkakaalyado ay may kaugnayan para sa 2028 presidential derby. Mismo!