Advertisers

Advertisers

31 mula sa 42 priority bills matagumpay na naipasa ng Kamara

0 114

Advertisers

UMABOT sa kabuuang 31 mula sa 42 priority bills ang inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives bilang tugon sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Pinakahuling panukalang naipasa ay ang 30-year National Infrastructure Program Bill at ang panukalang National Land Use Act.

“We are proud of our collective accomplishment – 31 out of 42 and counting. As of today, we have achieved a significant part of our goal in less than a year of session,” pagmamalaki ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.



Pinasalamatan ni Romualdez ang mga kapwa niya mambabatas sa Kamara gayundin ang ilang political parties na nagbigay suporta upang maipasa ang mga mahahalagang panukala na naaayon sa Pangulo sa LEDAC at sa Kamara de Representantes.

Layon aniya ng mga panukala ay upang lubos na masuportahan ang administrasyon ng Pangulo at upang mapanatili umano na matatag ang ating ekonomiya at makapagbigay ng maraming trabaho at iba pang pagkakakitaan ng taongbayan.



Pinunto pa ng lider ng Kamara na palalakasin pa nito ang programang ‘Build Better More’ ng administrasyon upang masuportahan pa ang ating ekonomiya sa pamamagitan ng matibay at maaasahang national infrastructure network.

Mula sa 42 LEDAC bills, tatlo rito ang nilagdaan ng Pangulo upang maging ganap na batas at kasalukuyang naipatupad na kinabibilangan ng: SIM (subscriber identify module) Registration Act, pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan elections na itinakda sa buwan ng Oktubre ngayong taon at ang panukalang mag-aamyenda sa batas para sa fixed term ng Armed Forces of the Philippines chief of staff gayundin ang iba pang high-ranking officers ng AFP. (Henry Padilla)



Kabilang sa mga panukala na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ay ang mga sumusunod: Magna Carta of Seafarers, E-Governance Act / E Government Act, Negros Island Region, Virology Institute of the Philippines, Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act, National Disease Prevention Management Authority or Center for Disease Control and Prevention, Medical Reserve Corps, Philippine Passport Act; Internet Transaction Act / E Commerce Law, Waste-to-Energy Bill, Free Legal Assistance for Police and Soldiers, Apprenticeship Act, Build-Operate-Transfer (BOT) Law, Magna Carta of Barangay Health Workers, Valuation Reform, Eastern Visayas Development Authority, Leyte Ecological Industrial Zone, Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery, National Citizens Service Training Program, and National Government Rightsizing.
Kabilang din dito ang naipasang panukala na ipinadala na sa Senado ay ang Maharlika Investment o Sovereign Fund bill, principally authored ni Speaker Romualdez, kung saan sinertipikahan bilang urgent ng Pangulo.