Advertisers

Advertisers

P25.16B para sa indigent PhilHealth members aprub na – DBM

0 157

Advertisers

APRUBADO na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas sa P25.16 bilyong para sa isang taon na health insurance ng 8.4 milyong indigent Philhealth members.

Pahayag ni Pangandaman, pinirmahan ang Special Allotment Release Order (SARO) noong Mayo 23.

Huhugutin ang pondo sa authorized allotments sa Fiscal Year 2023 General Appropriations Act (GAA) alinsunod na rin sa nakasaad sa Republic Act (RA) 11936.



Magugunita na noong nakaraang Abril 4, inaprubahan din ng DBM ang pagpapalabas ng may kabuuang P42,931,355,000 na sakop ang isang taon na health insurance premiums ng higit 8.5 milyong senior citizens sa buong bansa.

Ang mga indigent persons ay ang mga walang hanapbuhay o kaya naman ay hindi sapat ang kita para sa mga pangangailangan ng pamilya, na tinukoy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">