Advertisers
SINERTIPIKAHAN bilang urgent ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Maharlika Investment Fund Bill upang madaliin ang pagpasa nito sa Senado na hindi na kailangang dumaan pa sa 3-day rule.
Nais ng pangulo na maisabatas ito bago ang kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo.
Target naman ng senado na aprubahan ang Maharlika Investment Fund Bill sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Finance, ang panukalang batas ang magiging kauna-unahang sovereign investment fund ng bansa na layong isulong ang pag-angat ng ekonomiya at pag-unlad ng Pilipinas. (Vanz Fernandez)