Advertisers

Advertisers

ABERYA SA GCASH SANHI NG ONLINE GAMBLING

0 148

Advertisers

NATUKOY na ng National Privacy Commission (NPC) ang sanhi ng breach ng GCash.

Pahayag ng NPC, dahil sa tinatawag na “meticulous phishing” scheme ng ilang online gambling sites kaya nagkaroon ng pagkawala ng pera ng ilang Gcash users.

Ang nasabing pahayag aniya ay base sa ginawang masusing pananaliksik ng NPC.



Matatandaang noong Mayo 9 nang magkaproblema ang Gcash kung saan inireklamo ito ng ilang users na nawala ang pondong nakalagay sa kanilang Gcash wallets.