Advertisers

Advertisers

TAG-ULAN NA SA PINAS – DOST

0 187

Advertisers

IDINEKLARA na ng mga eksperto at ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan sa Pilipinas.

Ayon sa pahayag ng state weather bureau, pasok na pamantayan ang mga nakaraang pag-ulan.

Kabilang na rito ang pinalakas na hanging Habagat ng bagyong “Betty”.



Maliban sa Luzon, may mga pag-ulan nang nararanasan ngayon sa Visayas at Mindanao.

Ang tag-ulan sa Pilipinas ay karaniwang nagsisimula tuwing buwan ng Hunyo at tumatagal hanggang Nobyembre.



Sinabi ng PAGASA, posible ang hanggang 14 bagyo na papasok sa bansa hanggang Disyembre.

Ngayong Hunyo lamang ay 2 bagyo ang posibleng papasok sa bansa.



Sa kabila nito, nagbabala ang ahensya sa posibleng mababang antas ng ulan kumpara sa mga nakaraang taon dahil sa El Niño phenomenon sa mga susunod na buwan.