Advertisers

Advertisers

PNP AT AMLC NAGKASUNDO VS FINANCIAL CRIMES

0 153

Advertisers

NAGKASUNDO ang Philippine National Police (PNP) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) na palakasin ang kanilang kooperasyon sa pagsugpo sa financial crimes.

Ito’y kasunod ng pagbisita kay PNP Chief, General Benjamin Acorda Jr., sa Camp Crame ng AMLC delegation na pinangunahan ni AMLC Executive Director Atty. Mathew M. David.

Ayon kay Acorda, ang pag-uusap ng mga opisyal ng PNP at AMLC ay patunay ng matatag na partnership at kolaborasyon ng dalawang ahensya sa paglaban sa money laundering at iba pang financial crimes.



Sinabi pa ng PNP Chief na malaki ang naitulong ng AMLC sa PNP sa pagbuwag ng mga sindikato at pagpigil ng daloy ng pera mula sa kriminal na aktibidad.

Tiniyak naman ng PNP Chief na patuloy na palalakasin ng PNP ang kanilang kapabilidad, intelihensya, at proseso ng imbestigasyon, at makikipagtu-lungan sa AMLC para mabuwag ang financial network ng mga sindi-kato.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">