Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NARAMDAMAN na nga ng GMA 7 at TAPE Inc. ang epekto ng pagkalugi simula nang kumalas ang TVJ sa TAPE Inc.
Kahit ang GMA 7 lalo ang TAPE Inc. ay malaki ang nalugi sa unang araw pa lang ng pagkalas ng TVJ sa mga Jalosjos.
Sa first day pa lang nang wala na ang TVJ sa TAPE ay nalagasan na ito halos ng P40M.
Paano pa ang mga susunod na araw, ay naku kailangang galingan lalo ng new EB hosts at ng mga new head writers lalo na’t may TV 5 na ang TVJ na katapatan nila.
Naglayasan kasi ang malalaking ads ng Eat Bulaga na susundan ang TVJ at ayaw naman ipagkatiwala ng ads sa mga bagitong host ang kanilang brand.
Kaya may mga sitsit na nakikiusap at nagsusumamo ang mga execs ng TAPE Inc. sa TVJ na magbalik na.
Humingi na rin ng paumanhin ang Jalosjos Brothers kung nasaktan man nila ang damdamin ng TVJ.
Pero nag-anunsiyo na ang TVJ na first week ng July sila mag-start sa Studio ng TV5 sa Mandaluyong. Pagmamalaki pa ni Tito Sen na may mga bago silang segment na talaga namang nakakaaliw at ang saya at kahit nga ang TVJ ay natatawa sa kanilang EB FB Fan Page.
Kaya ang mangyayari ay magsasalpukan sa ere ang Eat Bulaga the orig vs bagong Eat Bulaga.
***
Ice Seguerra ginawang babae ni Romnick sa kanilang L2L kahit di pa nag-toothbrush
MARAMING gulat sa bagong pinag- uusapan ngayon at tila may nagkakalat na babae na raw si Ice Seguerra.
May mga comment naman na di ba raw ito nandiri nang makipaglaplapan sa kapwa nito boy sa bagong project.
Yes, wala naman kagatul-gatol at bigay todo si Ice sa pakipaglaplapan kay Romnick Sarmenta para sa bagong serye na pagsasamahan nila na ipalalabas sa iWanttv na ‘Drag You and Me.’
Sey pa nga ni Ice sa isang tanong ng netizen na buti nagawa nito makipaghalikan kay Romnick.
Sa huling pahayag nito ay na-miss daw niya ang acting.
Well, well, well…’Yun na!