Advertisers

Advertisers

Misis nabudol ng P2.6m sa Mandaluyong City

0 152

Advertisers

HINDI malaman ng 57 anyos na ginang kung bakit siya napapayag ng mga taong kumausap sa kaniya sa kalye na kumuha ng mga gamit at pera sa kaniyang bahay sa Mandaluyong City.

Sa kuha ng CCTV camera noong Mayo 31, kinakausap ang biktima ng dalawang babae habang naglalakad.

Maya-maya pa, pinasakay na siya sa kotse ng mga suspek. At sa hindi raw malamang dahilan ng biktima, pumayag siyang dumaan sa kaniyang bahay para kumuha ng mga gamit at pera.



Nagtiwala raw ang biktima sa mga suspek dahil mayroon din naman daw gamit na iniwan sa kaniya ang mga ito.

Pero hindi na bumalik ang mga suspek tangay ang kaniyang mga gamit at pera na aabot sa P2.6 milyon ang halaga.

Natuntun ng mga awtoridad ang sasakyan ng mga suspek sa Cavite. Nadakip ang isang lalaki pero itinanggi niya na nambudol sila.

Natukoy na rin ang pagkakakilanlan ng kasamahan nito na dati narin nakulong sa kasong swindling o panloloko.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">