Advertisers

Advertisers

Nag-ala Bilibid narin ang NBI Jail

0 153

Advertisers

NABAHIRAN ang mantsa ang kridibilidad ng National Bureau of Investigation (NBI) sa nabunyag na madalas paglabas ng kanyang kulungan ng isang high-profile inmate kasama ang ilang security gamit ang sasakyan ng bureau.

Si Jose Adrian “Jad” Dera, umano’y police asset na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga na nadakip sa Angeles City, Pampanga noong Agosto 2019 at nakakulong sa NBI, ay nabunyag na madalas itong nakalalabas ng kanyang kulungan ng walang pahintulot ng korte na naglilitis sa kinakaharap niyang kaso.

Ayon sa aking source, si Dera ay lumalabas para magwidro ng pera, makipag-date sa kanyang nobya, at mag-goodtime kasama ang ilang korap na security ng NBI.



Pero, sabi nga: walang baho na hindi sumisingaw o walang sikreto na ‘di nabubunyag. Oo! Nitong Martes ng gabi, nakatanggap ng tip ang Department of Justice (DoJ), ang mother agency ng NBI, na wala sa kanyang kulungan si Dera.

Inatasan ng DoJ ang mga tapat na operatiba ng NBI na abangan ang pagbalik ni Dera kasama ang mga security ng bureau. Bandang hating-gabi nang dumating ang isang mark vehicle ng NBI, hinarang ito ng mga nakaabang na operatiba pagpasok sa gate. Sakay nga nito si Dera kasama ang anim na miyembro ng security forces ng bureau. Kaagad sila pinadapa at pinosasan. Nakuhanan pa ng baril si Dera. Wow!!!



Sabi, sa bawat labas ng kulungan ni Dera ay nagbibigay ito ng daan-daang libong piso sa mga bumabantay sa kanya.

Sabi ng DoJ, hindi basta makalalabas ng kanyang kulungan kung walang bendisyon ng kung sinong kasabwat nitong opisyal sa NBI. Mismo!



Sa tingin ko, hindi lang si Dera ang nakagagawa nito, na nakalalabas ng kanyang selda kung kailan niya gusto. May mas malalaking drug lords na nakakulong sa NBI na kayang magbigay ng doble o tripleng halaga sa ibinibigay ni Dera sa mga bantay para makapag-goodtime lang sa labas.

Kaya nakakapagtransaksyon parin ang mga drug lord kahit sa kulungan ay dahil narin sa kasabwat na nila ang mga nagbabantay sa kanila tulad nitong si Dera.

Actually, ang ganitong pangyayari ay nangyari narin sa National Bilibid Prison (NBP). Naalala n’yo ba si dating Batangas governor Jose Antonio Leviste na habang nagsisilbi ng 12 taon sa bilibid (sa kasong homicide) ay nabuking na madalas ito sa kanyang opisina sa Makati City. Hinuli siya ng NBI at ibinalik sa NBP.

Ngayon, ang NBI naman ang nabuking na nagpapalabas ng high-profile inmate, “drug lord” pa!

Hindi ako naniniwala na police asset lang si Dera. May police asset bang kahit sa kulungan ay kayang magwaldas ng milyones kada labas ng selda at may pambayad sa dekalibreng abogado? Pukaw namo!