Advertisers

Advertisers

Sinibak na pulis huli sa pekeng lisensya, boga

0 106

Advertisers

ISANG sinibak na pulis ang dinakip nang magpakilala pa itong aktibo sa serbisyo at makumpiskahan ng mga baril na may pekeng lisensya sa isang checkpoint noong Linggo sa Calamba City, Laguna.

Tinukoy ito ni Laguna Police Director, Colonel Randy Glenn Silvio, na si alyas “Arnold” ng Tondo, Maynila.

Ayon kay Calamba Police chief Lt. Colonel Milany Martirez, inaresto si Arnold nang magpakilala itong aktibong pulis at magprisinta ng pekeng lisensya sa dala niyang Taurus caliber 45 at Norinco caliber .45.



Nabatid na sinibak sa serbisyo aai Arnold noong 2018 sa hindi na tinukoy na dahilan.

Kabilang sa mga nakuha sa kanyang pag-iingat ang pitong PNP ID at Police Security Protection Group ID.



Nasa kostodiya ito ng Calamba Police Station at nakatakdang kasuhan ng ‘usurpation of authority’ at paglabag sa Republic Act 10591, Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">