Advertisers
Kaakibat ang Moriones PS-2 Shield Security sa ‘3 minutes respond’ base sa utos ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ipinahayag ni PLTCol. Rosalino Pabalan Ibay, Jr., Station Commander ng Moriones PS-2, na ayon kay MPD District Director PBGen Andre Perez Dizon, na dapat ang mga pulis maging approachable o madaling lapitan, presentable, laging nasa area nila at higit sa lahat dependable o maaasahan, na 24/7 nakabantay sa kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr., ang presensya ng pulisya sa bawat lugar na crime-prone ang mahalaga sa pag-iwas sa krimen, na dapat magkaroon ng tatlong minutong tugon sa krimen.
Sinabi ni PLTCol. Ibay na 80% ng pulis ang kailangan nasa labas ng istasyon ng pulisya at ginagawa ang mga nakaatang na tungkulin. Samantala ang 20 porsiyento ng pulis nasa loob ng kanilang istasyon upang tungunan ang iba pang lumalapit sa kanila.
Ayon pa kay Ibay na kapag may nag-report sa kanilang ng anumang krimen, kailangan sa loob ng 3 minuto nakaresponde na ang kanyang mga tauhan. Ang 3-minute response time na isinasagawa ng Moriones PS-2, ang mabilis na makalulutas ng mga krimen at maraming buhay ang maililigtas.
Ipinatutupad din ng kapulisan ang ‘Alert sentinel’, na lahat ng PCP, na ‘di na kailangan nasa loob ng istasyon. Ang mga police officer kailangan nasa labas at nagbibigay ng police assistance sa mga complainants.
Kabilang sa gawain at responsibilidad ng pulis ang ‘Police Assistance Desk’ (PADS) ang makapagbigay ng strategic position para sa police assistance desk.
Mayroon din silang ‘Line Beat Patrol’ na magbigay ng presensya ng pulisya sa mga crime prone areas.
Ang ‘Alert Team’ naman ang responsable sa pagmo-monitor sa mga barangay at establishments visitation at iba pang police activities.
Samantala, ang tungkulin ng Tactical Motorcycle Riders Units (TMRU) ang magsagawa ng Oplan Sita, Oplan Bakal at Motorcycle patrol.
Ang lahat ng teams mayroon mga gamit na handheld radio at long firearms.
Naglalayon ang Moriones Tondo Police Station Security na magbigay ng strategic police visibility at presensya ang kanilang nasasakupan na may kabuuang 74 barangays sa Tondo, Maynila, na matiyak ang kaligtasan ng publiko at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng nasabing lugar.
Dagdag pa ni Ibay, isa rin mabisang pamamaraan ang mabilis na pagtugon ng PNP sa tawag ng pagresponde sa hininging tulong ng mga mamamayan upang maibalik ang tiwala sa kapulisan.
Suportado naman ng Local Govement Unit (LGU) partikular na ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang naturang Shield Security Plan ng Moriones PS-2 para sa kapayapaan at kaayusan ng isang lugar.
Noong Hunyo 26, 2023, nagsagawa ng dayalogo sina PBGen. Dizon, PLTCol Ibay, kasama ang mga Section Chief, PCP Commanders, SESPO, SCADS Personnel sa pangunguna ng PCPT Leonardo B. Blanco Jr., Chief SCADS, Rev. Pastor Arnulfo Macarangal at Cecille Enriquez, Assistant Principal at mga Barangay Officials sa ilalim ng District 2 City of Manila kaugnay ng Ugnayan Ng Kapulisan sa Barangay.
Tinalakay ang mga isyu at concerned sa loob ng kani-kanilang barangay na ginanap sa St Paul Auditorium, St Paul Grade School, Sta Maria Street, Tondo Manila.
Naglalayon ang aktibidad na ito na isulong ang pakikipagkaibigan tungo sa isang progresibo at peaceful workplace upang mapanatili ang maayos na relasyon sa pagitan ng pulisya at komunidad.