Advertisers

Advertisers

Sen. Tulfo pinatataasan ang subsistence allowance ng mga sundalo at pulis

0 138

Advertisers

INIHAIN ni Senator Raffy Tulfo ang Senate Joint Resolution No. 2 na nagtataas ng subsistence allowance ng lahat ng opisyal at enlisted personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng lahat ng commissioned at non-commissioned personnel ng Philippine National Police (PNP) mula Php150 hanggang Php250 kada araw.

Nauna rito, sa naging pagdinig ng budget ng Senado para sa Department of National Defense (DND) noong Setyembre 2022, binatikos ni Tulfo ang kakarampot na subsistence allowance ng mga sundalo na P150 kada araw, na tinitipid nila para sa almusal, tanghalian, at hapunan.

Aniya, hindi sapat ang ganoong halaga para makabili ng disenteng hamburger.



Ayon pa kay Tulfo, ang Php150 kada araw (Php4,500 sa isang buwan) ay halos hindi na makasusuporta sa ikabubuhay ng pamilya ng mga sundalo at tauhan ng pulisya.

Binanggit din niya ang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagsasabing ang buwanang halaga ng pamumuhay ay dapat nasa Php44,000 kada buwan para sa disenteng pamumuhay.



Dagdag ni Tulfo na ang DND, sa pakikipag-ugnayan sa AFP at Department of Interior and Local Government (DILG), pati na rin sa PNP, ay dapat magpahayag at agad na maglabas ng mga guidelines at regulasyon na kinakailangan upang maipatupad ang mga probisyon ng nasabing joint resolution.

Gayundin, dapat maglaan ang pamahalaan taun-taon at isama sa General Appropriate Act ang halaga na tumutugma sa kabuuang taunang halaga ng pagtaas sa Subsistence Allowance. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">