Advertisers
KUNG magsalita si Gongdi noong nakaupo siya sa Malakanyang, ang buong akala ng publiko ay totoo. Madalas sabihin na hindi niya kinikilala ang International Criminal Court (ICC) at walang human rights sa kanya. Ipinangalandakan ng tila bangag na si Gongdi na ipaaresto niya ang sinumang tauhan ng ICC na papasok ng Filipinas.
Hindi nangyari ang sinasabi ni Gongdi. Natapos ang kanyang termino noong 2022 at humalili si Bongbong Marcos sa panguluhan. Hindi namatay ang makasaysayang sakdal na crimes against humanity na unang isinampa noong 2017 ni Sonny Trillanes at Gary Alejano sa International Criminal Court (ICC). Bagkus, ito ay kumilos at nasa estado na ng formal investigation.
Mas pinili ni Gongdi kasama ang kanyang mga kasabwat sa madugo pero bigong digmaan kontra droga ang makinig sa walang saysay na payayag ni Harry Roque na hindi kinikilala na dalubhasa sa international law. Sumablay si Gongdi kasama si bato de la Rosa at Jose Calida na pawang madidiin bilang kasabwat sa sakdal. Nauna ang yabang sa katawan at hindi ang paghahanda sa sakdal.
Pinilit gumawa ng paraan ni Gongdi upang iligaw ang ICC at hanggang maari ay pigilin ang paggulong ng katarungan sa tila bangag na lider ng Davao City. Hindi namin alam kung kanino ideya ito pero nasisiguro namin na pumalpak ito. Nagharap ng apela si Menardo Guevarra, ang kalihim ng DoJ ni Gongdi, na ipagpaliban ang formal investigation dahil mayroon umano silang 52 kaso na inimbestigahan.
Hindi totoo na may iniimbestigahan and DoJ. Drama lang ni Guevarra sa utos ni Gongdi upang iligaw ang ICC at antalahin ang pagsisiyasat. Sa totoo, walang anuman imbestigasyon sa 52 kaso. Hindi kumilos ang pulisya sa 52 kaso. Kabalbalan lang ni Guevarra iyon upang tuluyang mabalam ang proseso ng ICC.
Ngayon, maaring bumaba ang desisyon ng Appeals Chamber ng ICC na tuluyan si Gongdi sa pamamagitan ng paggulong ng formal investigation. Ano ang gagawin ni Gongdi at mga kapanalig na pawang mga nasa balag ng alinlangan? Nganga.
Maaaring bumaba ang desisyon sa Agosto o Septiyembre. Hindi namin alam kung may handa si Gongdi sa mangyayari. Kasunod ng desisyon ang paglabas ng arrest warrant sa kanya at hindi malayo na dakpin siya at dalhin sa The Hague kasama si Bato at iba. Abangan ang mangyayari.
***
PUEDENG komedyante si Gongdi kaparis ni Tito Sotto. Sa isang pahayag, nagbabala ang dating pangulo ng bansa na hindi maiiwasan ng Filipinas ang “galit” ng Tsina kapag umigting ang tensyon dahil sa paglawak ng lakas ng Estados Unidos sa rehiyon at pagkakaroon ng mga base militar sa Filipinas kaharap ang Tsina. Alipin siya ng Tsina at siya ang pangunahing tuta o tagakahol ng Tsina sa rehiyon. Kung may kredibilidad, ibang isyu iyon.
Iyan ang dahilan kung bakit nag-iisyu siya ng mga ganyang pahayag. Hindi niya mahal ang Filipinas, sa totoo lang. Mas mahal niya ang Tsina. Siya ang traydor at makapili. Iba ang tingin ng aming kaibigan Philip Lustre Jr. Sa isang post, kailangan ni Gongdi na magsalita ng ganyan upang buksan umano ng Tsina sa political asylum kung iutos ng International Criminal Court (ICC) ang pag-aresto sa kanya batay sa sakdal na crimes against humanity na isinampa sa kanya at mga kasabwat sa maramihang patayan sa bansa.
Pero ang totoo, nakausap ni Gongdi ang sugo ng Tsina at ginamit ng sugo si Gongdi bilang tagangawngaw ng mga salita. Kung hindi magawa ng sugo ang mga ganyang salita ng harapan, wala siyang halaga, saysay bilang tao at sugo, at hindi siya dapat pinaniwalaan. Nagpagamit naman si Gngdi dahil nandoon sa Tsina ang kanyang katapatan. Magpapakamatay sa Tsina ang taksil na iyan. Hindi siya karapat-dapat sa ating paggalang.
***
MAY mga panawagan ang mga doktor na alisan ng lisensya si Lorraine Badoy. Sa maikli, hindi siya makapanggamot. Maraming kasalanan si Badoy at pilit niyang sinira ang pangalan ng marami dahil sa walang batayan na bintang na sila ay komunista. Hindi siya ang gibyerno. Malinaw na wala sa polisiya ng Palasyo ang red tagging. Hindi kami magtaka kung marami ang sumang-ayon at bumalong ang petisyon na alisan siya ng karapatan na manggamot.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “’Medio” (or medyo) is the most abused word nowadays. Medio or media is the Spanish word for half. When used as an adjective or adverb, this word could mean half full or half empty. It connotes imprecision. For reason of precision and clarity, a writer or broadcaster should avoid using it. He should delete it. ASAP.” – PL, netizen
“Word Salad: “’Trayduts’ – Taksil sa bayan, makapili, kakampi ng kalaban, bantay salakay, hudas sa sambayanan.” – PL, netizen
***
PAIKIBASA ang pahayag ni Risa Hontiveros tungkol sa digmaan sa droga:
Sa paggunita natin ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking, nakikiisa ako sa international community sa panawagang wakasan na ang pakanang “war on drugs” ng gobyerno. Kaisa rin ako ng mga biktima ng war on drugs sa paghahanap ng hustisya, pagsasagawa ng mga polisiyang evidence-based at gender inclusive.
Sa huling pagsisiyasat, 2.05% ang prevalence of drug use sa bansa, katumbas ng 1.7M Filipinos. Kailangan nila ang ating pagtugon.
Our experience from the previous administration proves that the law enforcement-heavy “war on drugs” is ineffective. It only creates opportunities for human rights abuses and violations, and further aggravates the situation of the marginalized communities living in poverty.
As we know, drug-related killings in the Philippines have not stopped. Some high-ranking state operatives are also allegedly linked to the drug trade.
As we continue to seek justice and accountability for the victims of the war on drugs, inaasahan natin na ang kasalukuyang administrasyon ay makikiisa at makipagtulungang bigyang hustisya ang mga biktima ng war on drugs, repasuhin ang mga kasalukuyang polisiya tungo sa mas komprehensibo, inklusibo, makatao at makatarungang drugs response, at pagsusulong ng isang community-based drugs prevention and voluntary treatment and rehabilitation.
Umaasa din tayo na sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon na mas bibigyang-diin nito ang pagtugon sa mga serbisyong pangkalusugan at panlipunan (health and social services) ng mga nangangailangan, tulad ng mga persons who use drugs (PWUDs) at maging nga mga vulnerable sa paggamit na ipinagbabawal na gamot.
As we move forward, I hope to work with my colleagues in reviewing and enacting new drug policies anchored on harm reduction principles and the human rights of all.
***
Email:bootsfra@yahoo.com