Advertisers

Advertisers

‘Operation Tuli’ ng Moriones PS-2, tagumpay!

0 186

Advertisers

Naging matagumpay ang isinagawang Medical Outreach o ‘Operation Tuli’ ng Moriones Tondo Police Station PS-2 nitong Lunes ng umaga (July 3, 2023) sa PS-2 Conference Room, J. Nolasco corner Morga St, Tondo, Manila.

Mahigit 600 kabataan na pawang mga residente ng Tondo, Maynila ang nakinabang sa naturang libreng tuli.

Sinasabing taunang programa ni Station Commander PLTCol. Rosalino P. Ibay, Jr., ang nasabing ‘Operation Tuli’, bilang bahagi ng kanyang serbisyo publiko at upang matulungan ang mga maralitang mamamayan.



Katuwang ni PLTCol. Ibay sina Konsehal Luisito Chua ng District 4; mga opisyal at miyembro ng Station Advisory Group (SAG) na pinamumunuan ni Mr. Edwin Fan; PCapt. Leonard Blanco, Personnel ng Station Community Affairs and Development Section; PCapt. Carmelita Reyes, Personnel of Admin Section.

Umasiste rin sina Dr. Robert Sy at Mr. Jarold Go para lalong maging matagumpay ang naturang programa.

Nagkaloob ang SAG group ng mga medical stuff tulad ng anesthesia, plaster tape, syringe, gauge at mga gamot na ginamit sa libreng tuli ng PS-2.