Advertisers
NAKIISA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdiriwang ng ika-77 Philippine-American Friendship Day nitong Martes, Hulyo 4.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni PBBM na ipinagdiriwang sa mahalagang okasyon na ito ang malalim na koneksiyon ng dalawang bansa.
Aniya, nabuo ang matatag na ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos na nagsimula noon pang 1946 sa pamamagitan ng pundasyon ng tiwala at kolaborasyon.
Kasabay nito, nanawagan si Pangulong Marcos sa magkabilang panig na patuloy na tumidig nang magkasama, yakapin ang values ng demokrasya, kalayaan at pagkakapantay-pantay na bubuo aniya ng landas patungo sa mas masagana at inklusibong kinabukasan para sa lahat. (Gilbert Perdez)