Advertisers

Advertisers

SUSPEK SA PAMAMARIL SA PHOTO JOURNALIST MAAARESTO NA! – PNP

0 139

Advertisers

POSIBLENG maaresto ngayong linggo ang mga suspek sa pananambang sa isang photo journalist sa Quezon City kamakailan, ayon sa pahayag ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni PNP Spokesperson, Colonel Jean Fajardo, sinusubaybayan na ng pulisya ang mga suspek batay narin sa pakikipag-usap nito kay Quezon City Police District (QCPD) chief, Brigadier General Nick Torre.

Nakilala na, aniya, ng pulisya ang limang suspek sa pananambang kay Remate online photojournalist Joshua Abiad nitong Hunyo 29.

Gayunman, hindi na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon ang pulisya kaugnay sa kaso upang hindi mabulilyaso ang kanilang follow-up operations laban sa mga suspek.

Matatandaang hinarang at pinagbabaril ang sinasakyan ni Abiad at ilang kaanak nito sa Corumi Street, Barangay Masambong, Quezon City Huwebes ng hapon.

Sugatan sa insidente si Abiad at mga kaanak nito. At pumanaw na ang 4-anyos na pamangkin na biktima ng pamamaril nitong Sabado.

Nauna nang sinabi ni Torre na walang kinalaman sa trabaho ni Abiad bilang photo journalist ang insidente batay narin sa kanilang imbestigasyon.

Natuklasan ng pulisya na ang plate number ng sasakyan na ginamit ng mga salarin ay nakarehistro sa ibang sasakyan, at natunton ang may-ari ng ibang sasakyan.

Bunsod nito, sinabi ni Fajardo na mayroong indikasyon na ang pamamaril sa media practitioner ay may kinalaman sa isang “propesyonal na grupo.”