Advertisers
KINUMPIRMA ng Malakanyang na natanggap na nito ang kopya ng Maharlika Investment Fund (MIF) Bill na ipinadala ng Senado.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cheloy Garafil, kahapon pa natanggap ng Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs (ODESLA) ang kopya ng panukalang batas.
Hindi naman masabi ni Garafil kung gaano katagal pag-aaralan ni PBBM ang bill at kung kailan ito lalagdaan ng Presidente.
Matatandaang tiniyak ni Pangulong Marcos na pag-aaralan niyang mabuti ang kontrobersiyal na bill at titingnan kung anu-ano ang mga ginawang pagbabago rito. (Gilbert Perdez)