Advertisers

Advertisers

Iligal na online sabong sa Bulacan, namamayagpag!

0 248

Advertisers

Isang illigal na sugal ang patuloy na nagsasagawa ng operasyon ang inirereklamo ng ilang mga residente sa iba’t-ibang bayan at siyudad sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon sa nakalap na impormasyon ang DSC Online Sabong, pagmamay-ari ng nagngangalang Aliyas Cholo at Joseph na siyang nagpapatakbo ng illigal na online sabong sa iba’t-ibang bayan partikular sa Marilao City, Meycauan City, San Jose Del Monte City, Malolos City, Bucaue, Calumpit, Bustos, Angat, Guigiunto, Obando, Pandi, Paombong, Norzagaray, Plaridel, Santa Maria, San Miguel, San Idefonso, San Rafael, Pulilan, Dona Remedios Trinidad, Tamplate, Balagtas, Baliwag, at Bulakan Bulacan.

Napag-alaman na hindi natatakot ang dalawang nabanggit sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos Jr., hinggil sa pagpapatigil ng operasyon ng online sabong sa buong bansa na kung saan hindi pa nabibigyan ng katarungan ang pagkawala ng mahigit sa tatlungpong katao noong 2021-22 ang dinukot ng ilang mga sindikato sa illigal na sugal na ito.



Samantala, nais din ng mga apektadong mamamayan na paimbestigahan ito sa pamunuan nang Department of Interior and Local Goverment (DILG), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Philippine National Police, National Bureau of Investigation (NBI) at Cyber Crime Division ng CIDG hinggil sa patuloy na ginagawang illigal na aktibidades sa mga nasabing lugar.

Nanawagan din umano ang mga mamamayan ng naturang lalawigan sa pamunuan ng Bulacan Provincial Police Office na aksiyunan at mapahinto ang illigal na online sabong na ito at sa tanggapan ni Bulacan Provincial Director Police Col. Relly Arnedo para tumalima ang mga nagpapatakbo ng illigal na online sabong sa kautusan ni Pangulong Marcos.



Nabatid pa na tumatabo ng mahigit sa 10 hanggang 20 milyong piso ang kinikita nito araw araw na kung saan walang napupunta sa kaban ng gobyerno, hinggil sa illigal na operasyon nito na walang pahintulot sa pamahalaan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">