Advertisers

Advertisers

2 kadete nangopya sa exam, pinatalsik sa PNPA

0 307

Advertisers

SINIBAK ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang dalawang kadete na nahuling nangongopya sa kanilang eksaminasyon.

Hindi na tinukoy ang pagkakilanlan ang mga kadete pero sinabi ng PNP na ang kanilang Honor Committee at ang Cadet Disciplinary Board ay nagdesisyon na patalsikin ang dalawang second-class cadets pagkatapos ng masusing imbestigasyon.

Binigyan diin ng PNPA na ang pagpatalsik sa mga kadete ay magsisilbing paalala sa ibang estudyante na ang institusyon ay hindi pinapayagan ang anumang porma ng ‘di pagiging tapat.



Idiniin din ang kahalagahan ng academic integrity, paggiit sa layunin “to create leaders who uphold the highest standards of excellence in service to the nation.”

“We stand firm on our commitment to maintaining an environment of academic excellence and integrity,” saad ni PNPA director Major General Eric Noble sa kanyang statement na may petsang July 4, 2023. “As an organization, we strive to nurture a culture where honesty, accountability, and ethical values thrive, enabling our cadets to become future leaders of impeccable character.”

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">