Advertisers
KINUMPIRMA ng Malakanyang na natanggap na nito ang kopya ng Maharlika Investment Fund (MIF) Bill na ipinadala ng Senado.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, kamakalawa (Martes) pa natanggap ng Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs (ODESLA) ang kopya ng panukalang batas.
Hindi masabi ni Garafil kung gaano katagal pag-aaralan ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr. ang bill at kung kailan ito lalagdaan ng Punong Ehekutibo.
Matatandaang tiniyak ni Pangulong Marcos na pag-aaralan niyang mabuti ang kontrobersiyal na bill, at titingnan kung anu-ano ang mga ginawang pagbabago rito. (Gilbert Perdez)