Advertisers
Nasa mahigit P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang mangingisda sa pagbebenta ng illegal na droga sa ikinasang buy bust operation sa Navotas City.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naaresto na sina Ronaldo Jorge alyas “Buboy Tibayan”, 53 at Darwin Clemente, 29, kapwa residente ng Brgy. Tangos South.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Umipig 10:40 ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Luis Rufo Jr., ang mga suspek sa A. Cruz St., Brgy. Tangos South matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 30 grams ng shabu na may standard drug price P204,000.00, buy bust money, coin purse at P300 recovered money.
Ani Cpt. Rufo, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) na nagbebenta ng shabu si Jorge kaya isinailalim nila ito sa validation at nang positibo ang report ay ikinasa nila ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at kanyang kasabwat.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Beth Samson)