Advertisers

Advertisers

2 Sekyu pinagbabaril-patay sa NCot

0 229

Advertisers

Patay ang dalawang security guard sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Kilala ang unang biktima na si Arthur Masanit, 42- anyos, security guard, at residente sa Purok Talisay Barangay Dalapitan Matalam North Cotabato.
Ayon sa ulat, nakatayo lamang ang biktima sa Purok Everlasting Brgy. Sta Maria sa bayan ng Matalam nang biglang lapitan ng hindi kilalang salarin at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola at mabilis na tumakas.
Samantala, pinagbabaril at napatay din ng mga hindi kilalang salarin ang biktimang si Butsoy Nioda, security guard, habang nasa waiting shed sa national highway sa Makilala, Cotabato.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato PNP sa pamamaril patay sa dalawang security guard.(PFT team)