Advertisers

Advertisers

2 Lalaki lumabag sa health protocols nakuhanan ng P5.9m shabu

0 299

Advertisers

Aabot sa P5.9 million halaga ng shabu at isang baril ang nasakote ng 2nd Provincial Mobile Force Company sa ginawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation on Traffic Violations sa isang barangay sa lungsod ng Toledo, Cebu.
Kinilala ang mga suspek na sina Remedion Pardillo Paraiso at Mauricio Paran, Jr., at kapwa residente ng lungsod ng Toledo, Cebu.
Sa ulat, isang motorista ang na-flagged down ng mga otoridad nang magtangkang umiwas sa checkpoint dahil walang suot na helmet at face mask ang driver at ang backrider.
Nakuha sa backrider na si Paraiso ang isang .357 revolver na may apat na bala at ang 14 medium plastic sachets na may hinihinalang shabu.
Samantala, nasakote mula sa driver na si Paran, Jr, ang 16 na medium size plastic sachets na may hinihinalang illegal drugs at isang malaking tea bag na may shabu at iba pang mga kagamitan.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at Republic Act 10951.(PFT team)