Advertisers
HIGIT 500 residente ang lumikas dahil sa pagtaas ng tubig sa Marikina River, habang mas lumakas pa ang bagyong Falcon nitong Linggo.
Ayon sa ulat, nasa 546 na indibidwal (99 pamilya) ang boluntaryong nag-evacuate nang itaas sa ikalawang alarma ang tubig sa ilog. Umabot sa 16.5 meters ang antas bandang 12:00 ng madaling-araw ng Linggo.
Natuto na ang mga residente sa nangyari sa bagyong Ondoy 2009 at Ulysses 2020 kungsaan lumubog ang mga lugar malapit sa ilog.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, kusang lumikas Linggo ng gabi ang nasa 300 katao, pag-iingat narin sa posibleng pagtaas pa ng tubig.
Pero mula Linggo ng gabi hindi na gaanong umulan, kaya ibinaba na lamang sa alert level one (1) para sa Marikina River.
Samantala, lumakas pa at naging sever tropical storm ang bagyong Falcon at inaasahang magiging typhoon Linggo ng gabi o Lunes ng umaga.
Nitong 4:00 ng umaga ng Linggo, nakita ang sentro ng bagyo sa 1,190 km East ng Northern Luzon.
Wala pang tinataas na Storm Signal pero dahil sa habagat, makakaranas ng sama ng panahon ang mga sumusunod na lugar ang Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Occidental Mindoro, Palawan, Romblon, Northern Samar, CALABARZON, Bicol Region at Western Visayas.
At Lunes ang Ilocos Norte, Pangasinan, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Occidental Mindoro, Palawan, Romblon, Northern Samar, and most of CALABARZON, Bicol Region and Western Visayas.