Advertisers

Advertisers

SEN. PADILLA UMAMIN SA PAGTAKAS KAY BATO

0 5

Advertisers

NANINDIGAN si Senador Robinhood Padilla na hindi niya tinulungan si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na “tumakas” dahil nakiusap lamang umano ang huli na makisabay sa kanya palabas ng gusali ng Senado matapos ang insidente ng barilan.

“Ang sabi ni Senator Bato, ‘Sasabay na ko.’ Alangan namang tanggihan ko yun? Walang sasakyan si Sen. Bato dahil inihatid lang s’ya sa Senado ng sasakyan ni Senador Alan Peter Cayetano,” wika ni Padilla sa panayam ng Net25.

Ayon kay Padilla, bumaba si Dela Rosa sa Makati kungsaan umano naghihintay ang sarili niyang sasakyan.



Hindi narin aniya tinanong kung saan magtutungo ang dating hepe ng Philippine National Police matapos silang maghiwalay.

“Paano kami tatakas? Ang daming pulis sa loob at labas ng Senado, may CCTV pa. Wala namang humarang sa amin,” ani Padilla.



“Ayon mismo sa Senate President, wala ring local warrant. Kaya very relaxed kami,” patuloy niya.

Kaugnay nito, itinanggi ni Padilla na maituturing na “fugitive” o pugante si Dela Rosa.



“Para sa akin, hindi siya fugitive. Hindi ko matanggap na basta na lang natin tatawaging ganoon dahil sinabi ng dayuhan. Kailangan din nating igalang ang sarili nating proseso bilang bansa,” diin ni Padilla.

Kamakailan, ibinasura ng Korte Suprema ang hiling ni Dela Rosa na temporary restraining order (TRO) at/o status quo ante order (SQAO) kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya batay sa warrant na inilabas ng International Criminal Court.

Kasunod nito, sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida na inatasan na ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation na arestuhin si Dela Rosa kaugnay ng arrest warrant na inilabas ng ICC tungkol sa madugong war on drugs noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. (Mylene Alfonso)