Advertisers
Ni WALLY PERALTA
NAKABALIK na sa Pilipinas si Gerald Santos pagkatapos ng halos 8 buwan na pagkawala sa local entertainment scene.
Gayunman, halos wala pa siyang isang linggo sa Pinas ay balik trabaho na muli ang ating guapong Prince of Ballad sa music scene sa bansa.
Pero bago sumabak sa stage at sa muling pag-awit ni Gerald ay pumirma muna siya sa Contura Medic.
Nagsisimula na rin si Gerald ng una niyang concert serye sa buong bansa, ang Erase Beauty Concert Series sa Navotas Sports Complex sa syudad ng Batangas sa Sept. 2, sa Dream Zone ang kasunod na show at sa ibang syudad sa buong Pilipinas magtatapos ang naturang concert serye sa darating na December 8 at asahan na isa itong malakihang pagtatapos na concert in a big venue rin. Directed by Antonio Rommel Ramilo.
Pagkatapos ng kanyang Miss Saigon Denmark, binigyan ni Gerald ang sarili ng isang grand vacation at sa loob ng 2 buwan ay nag-tour siya sa Europe and the sa USA. Ang isang hindi malilimutang karanasan ni Gerald sa US ay ang nabigyan siya ng pagkakataon maging lead singer ng isang asosasyon ng mga Filipino singers sa America na naatasan kumanta ng National Anthem ng America in front of almost 70 thousands eager baseball fans and before the game between New York Mets and Milwaukee Brewers.
“Sobrang kaba ko sa binigay nilang responsibilidad sa akin na kantahin ang National Anthem ng Amerika. Buti na lang one month bago ang game ay nasabihan nila ako kaya kahit paano ay nakapagpraktis din ako.
“Salamat sa Diyos, at maganda naman ang kinalabasan ng aking pagkanta ng National Anthem ng States. Base na rin sa palakpakan at hiyawan pagkatapos kong kumanta,” say ni Gerald.
At ngayon back to Pinas na siya, in between ng kanyang concert serye ay balak ni Gerald na gumawa ng isang album at may napili na siyang isang kanta na ire-record niya. Ang “Ako Na Lang” composed by Marion Aunor. At baka kantahin niya na rin ang bago niyang song sa kanyang series of concerts bilang promo na rin.
Kakaibang Gerald daw ang mapapakinggan ng kanyang mga supporters, ibang-iba kaysa sa nakagawian nilang mga kanta ng musical stage actor/singer.
***
HIWALAY si Andrea del Rosario at ang kanyang hubby na si Anthony Garcia. Magkahiwalay sila dahil nasa US si Anthony at naiwan naman sa Pinas si Andrea.
Nasa ibang bansa raw kasi ang business ni Anthony.
Marami ang nagduda na hiwalay na sina Andrea at Anthony dahil sobrang tahimik ng kanilang relasyon. Pero itinanggi ito ni Andrea nu’ng makausap namin siya sa birthday celebration ni Lanao del Sur Mayor Marcos Mamay sa Valle Verde Country Club.
“Yes, uh, I’m still with him,” paglilinaw ni Andrea.
“But, half of the year kasi he is based in America. Half of the year, here. Right now, he’s in America. As a matter of fact, nandoon ang anak ko kasama ng anak niya. Nandoon ang anak ko for almost two months ngayong bakasyon.”
American citizen kasi ang dyowa ni Andrea at professional polo player. At ang daughter nila na si Beatrice Anne ay ipinanganak din sa US.
Hindi naman daw kinakabahan si Andrea na baka magloko sa US ang kanyang mister.