Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
GRADUATE na sa pagpapa-sexy si Sean de Guzman pagkatapos niyang manalo ng dalawang Best Actor trophy sa ibang bansa para sa pelikulang Fall Guy na pinagbidahan niya at nang tanghalin siyang New Movie Actor of the Year sa nagdaang PMPC 38th Star Awards For Movies.
Sabi ni Sean,”As of now po, may last project ako sa Vivamax, medyo graduate na ako sa pagpapa-sexy then tatawid na ako sa Viva One naman. Doon naman tayo sa mga wholesome na content na movies at series sa Viva One.”
Desisyon ba niya na hindi muna tatanggap ng sexy role?
“Desisyon ng management at desisyon ko rin, kasi gusto ko ring matuto ng ibang genre. Gusto kong maiba naman. Ayaw kong ma-typecast na sexy actor lang. Kumbaga, ibi-break natin ang stigma na ganun,” sagot niya.
Pero aniya pa, kung may offer na kinakailangan naman talaga sa eksena ang magpa-sexy pa rin siya ay tatanggapin niya.
Paliwanag niya, “Kung may kabuluhan naman ‘yung pelikula at eksena, bakit naman hindi ko tatanggapin.”
***
BEA Alonzo Celebrity Endorser ng Census of Agriculture and Fisheries
LINGID sa kaalaman ng marami, may ilang sikat na personalidad na nagnanais ng tahimik na buhay na malayo sa gulo.
“Pero kung may offer na kinakailangan naman talaga sa eksena, why not? Di ba?” Kung may kabuluhan naman ‘yung pelikula at eksena, bakit naman hindi ko tatanggapin,” sambit ni Bea Alonzo.
May ilang nangarap na masiyahan sa katahimikan ng isang bukid kung saan maaari nilang alagaan ang mga hayop at mag-ani ng sariwang produkto na kanilang itinanim. Isa sa mga personalidad na ito ay si Bea na nagmamay-ari ng isang bukid sa Zambales mula pa noong 2011 kung saan lumalaki ang mga puno ng mangga at nag-aalaga ng mga baka at manok.
Ang pagmamahal niya sa sakahan nila ang naging batayan ng Philippine Statistics Authority (PSA) na piliin si Bea bilang kanilang celebrity endorser para sa paparating na 2022 Census of Agriculture and Fisheries (2022 CAF).
Tungkol dito, sinabi ni Minerva Eloisa Esquivias, Deputy National Statistician ng PSA: “Masaya kaming ipinakikilala si Bea Alonzo bilang celebrity endorser para sa 2022 Census of Agriculture and Fisheries.
Bukod sa pagiging isa sa mga pinakasikat na personalidad sa bansa, lubos niyang sinusuportahan ang sustainable farming, na kitang-kita sa pagmamay-ari niya ng organic farm sa Zambales na nagsisilbing tahanan nila ng kanyang pamilya.”
Ang 2022 CAF ay pang-pito sa sunud-sunod na serye tuwing ika-sampung taon ng senso sa agrikultura at ika-anim a serye tuwing ika-sampung taon para sa senso ng pangisdaan na nagsimula sa buong bansa noong 1903.
Ang Philippine Statistics Authority (PSA) ang sangay ng gobyerno na nangangalap ng pangunahing impormason sa mga sektor ng agrikultura at pangisdaan sa bansa. Lalong mabibigyang-diin ang kahalagahan ng katungkulang ito ng PSA dahil ang napapanahong impormasyon at datos tungkol sa agrikultura at pangisdaan ang magiging daan ng mga tagaplano sa gobyerno upang makatugon sa mga hamon at oportunidad na meron ang sektor na ito.
Simula ngayong ika-4 ng Setyembre 2023, magpapadala ang PSA ng 15,841 enumerators at 5,430 census supervisors sa buong bansa upang magsagawa ng census sa mga sambahayan na may kinalaman sa agrikultura at pangisdaan, mga operator ng agrikultura at aquaculture, mga operator ng pangisdaan, at mga opisyal ng barangay.
Gamit ang Computer Assisted Personal Interviews (CAPI), kukunin ng mga enumerators o data collectors ang mga datos na magbibigay-basehan sa ating mga pinuno at policymaker para sa pagbuo ng mga programa at polisiya para sa ikabubuti ng kalagayan ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa bansa.
Mapalad ang PSA ngayong taon dahil nakuha nila si Bb. Bea Alonzo bilang kanilang ambassadress at tampok siya sa commercial ad para sa 2022 CAF. Si Bb. Bea Alonzo ay opisyal nang “CAFarmer”.
Hinihikayat ang lahat ng mga nasa sektor ng agrikultura at pangisdaan na makilahok sa paparating na senso, at ika nga ng tagline ng 2022 CAF, “CAFarmer, CAFisher, Tayo ang Bida!”