IPO Renewed The Trademark Registration of Tape, Inc…”Brand Name Na ‘EAT BULAGA’ Pwedeng Gamitin ‘Til 2033″ — Atty. Maggie Abraham-Garduque
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
LAST August 4, Friday, isang magandang balita ang natanggap ng Tape Incorporated ng Jalosjos brothers na sina Tape Pres. Cong Jon-jon at Chief Finance Officer Mayor Bullet.
Yes, sa araw na ito kasi ay ipinagkaloob na sa kanila ng Intellectual Property Office of the Philippines o IPO ang kanilang Certificate of Renewal of Registration para sa pangalan o titulong Eat Bulaga. Ito ay sa pamamagitan ng masipag at trusted nilang legal counsel na si Celebrity lawyer, Atty. Maggie Abraham-Garduque.
Yes, masaya ang buong Tape Incorporated at si Atty. Maggie, at vindicated sila sa kabila ng pag-file ng former hosts ng EB na TVJ ng petisyon na kanselahin ang kanilang trademark registration. Detalyadong nakasaad sa nasabing Certificate of Renewal of Registration ng Tape Inc. na pirmado ni Mr. Jesus Antonio Z. Ros na Director ng Bureau of Trademarks, ang mga sumusunod, Registration No. 4/2011/00005951 Date of Registration: 14 June 2023 Date of Renewal: 14 June 2023 at Term na 10 years (until 14 June 2033).
So, malinaw pa sa liwanag ng buwan na hanggang 2033 pa pwedeng gamitin ng Tape Incorporated sa kanilang 44 years ng produced na programa ang brand name na Eat Bulaga. At narito ang pahayag ni Atty. Maggie sa naipagkaloob sa kanila ng IPOPHIL, “Marami kasi ang nagsasabi na since nag-expire ang registration ng TAPE INC. sa EAT BULAGA trademark, free for all na ito. This is not true.
TAPE, INC. renewed it’s registration and we are happy na, na issue na ang certificate of renewal which makes tape inc the continuous owner of the name “EAT BULAGA” and EB and it’s logos until 2033.”
“Importante ito kasi kung baga sa lupa ang certificate of registration and in this case certificate of renewal of tape, inc ay ang titulo nya to prove it’s ownership over the trademark EAT BULAGA,” sunud-sunod pang sambit ng pinakamatunog na pangalan ngayon sa social media na si Atty. Maggie.
“TAPE, INC. will do everything to protect it’s right of ownership over the trademark EAT BULAGA,” dagdag pa ng magandang abogada. At kung happy si Atty. Maggie na vindicated sila sa mga nanghuhusga sa Eat Bulaga syempre masaya rin ang magkapatid na sina Sir Jon-jon at Sir Bullet Jalosjos, “They are happy to know about it. They are just fighting/defending which is rightfully theirs.”
Ito raw ang naging reaction ng kanyang mga boss ayon pa kay Atty. Maggie na hindi lang legal counsel ng Tape Inc. kundi spokeperson din ng nasabing sikat na TV Production Outfit.
Samantala, may babala pala si Atty. Maggie sa lahat ng tatawag o magsasabi ng Fake Bulaga, na ang dating parang pinaglalaruan at pinagtatawanan ang mga host nito na kinabibilangan nina Yorme Isko, Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Alexa Miro at magkapatid na Cassy at Mavy Legaspi, etc. Yes, gagawa sila ng legal na action sa sinumang tatawag na ang EB ay Fake.
“For me no one has the right to call TAPE’s show as Fake Bulaga. It is the registered owner of the name and logo of ‘Eat Bulaga’, it is the one using it in it’s show for the past 4 decades and up to now , so it cannot be the Fake Bulaga. In fact, we file all legal action/s to all who are calling it Fake Bulaga.” Paalala pa ni Atty. Maggie na isang magaling na lawyer ng bansa na pinagkakatiwalaan ng marami sa kanyang serbisyong legal.
Si Atty. Maggie Abraham-Garduque ay managing partner ng ABRAHAM PIMENTEL AND ACUÑA LAW OFFICE.