Advertisers

Advertisers

Multi – billion piso halaga ng paihi sa Navotas Fish Port

0 473

Advertisers

HANGGANG ngayon patuloy pa rin ang ‘multi-billion piso’ pamamayagpag ng operation ng PAIHI sa Navotas Fish Port.

Ayon sa mga nagbibigay ng impormasyon, hindi daw biro ang operasyon ng paihi dahil daan-daang milyon piso ang kinikita nito bukod pa umano ang salaping ibi­nibigay sa mga patong sa gobyerno ng grupong nagnanakaw ng krudo sa mga barko.

‘Ang operasyon umano nang paihi ng oil products ay mula sa mga barge at pupunta ang mga ninakaw sa mga oil tanker ng sindikato at pagdating sa pantalan ay sinisipsip muli ito para isasalin naman sa mga delivery bunker na naghihintay ng mga nakaw na langis at hinahakot ng mga bangka patungo sa break water ng navotas fish port.



Dagdag panang mga impormante, isang umanong alyas ‘Brando’ na sinasabing utak ng sindikatong ‘paihi gang’ kasabwat ang ilang tiwaling tauhan ng PNP Maritime, Philippine Coast Guard, Custom, Navotas Port Police, Northern Police District, NBI at Navotas Police dahil sa salaping nakukuha nila sa pagnanakaw ng diesel.

Inginunguso din ng mga impormante si alyas Manny ng Barangay San Roque na diumano may bodega sa ilog ng Navotas na kasusyo ng sindikatong si alyas Brando anak ni Boy Palawan ang hari ng paihi sa Navotas Fish Port.



Ayon pa sa mga impormante, mahirap itong mahuli dahil binabantayan umano ito ng ilang tauhan ng Port Police, PNP Maritime at Coast Guard habang isinasalin sa mga deliver bunker ang mga nakaw na diesel.

Tutukan natin!



***

Suhestyon at Reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com. – Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” mula lunes hanggang biyernes 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing miyerkules 9:00am-10:00am sa 96.9 FM Radyo Natin Calapan City, Oriental Mindoro at tuwing Sabado 9:00am-10:00am sa DWBL 1242 kHz AM Mega Manila. Mapapanood live sa Facebook at Youtube chanel.