Advertisers

Advertisers

Ex-pulis timbog sa P7.4m shabu

0 127

Advertisers

TIMBOG ang isang dating pulis nang magbenta ng P7.4 million na halaga ng shabu sa buy bust operation ng anti-narcotics agents sa Barangay Bagua 1, Cotabato City nitong Miyerkules, September 6, 2023.



Sa ulat nitong Huwebes ni Christian Frivaldo, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, hindi na pumalag pa si Nelson Calis Sali nang mahalatang PDEA-BARMM agents at mga kasapi ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region ang kanyang nabentahan ng mahigit isang kilong shabu sa operasyon.

Ayon sa mga taga PRO-BAR at mga kakilala niyang civilians, dating pulis si Calis na na-discharge sa serbisyo dahil sa kasong drug-trafficking at administrative cases sanhi ng pang-aabuso sa tungkulin at pagbebenta ng mga baril. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">