Advertisers

Advertisers

‘Bumbay’ hinoldap na, pinatay pa sa Laguna

0 334

Advertisers

NASAWI ang isang Indian national o “Bumbay” nang barilin ng holdaper at tinangay ang ‘di pa malamang halaga na koleksyon at motorsoklo nito sa kahabaan ng Purok Uno, Barangay Silangan Kabubuhayan, Nagcarlan, Laguna Huwebes ng umaga.

Sa inisyal na imbsetigasyon ng pulisya, kinilala ang biktima na si Chahal Karnail Singh, 62 anyos, nakatira sa Nagcarlan, na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa kanyang katawan sanhi ng kanyang kamatayan.

Ayon sa ulat, dalawang putok ng baril ang umalingawngaw sa lugar at nakita ang isang lalaking duguan na nakahandusay sa gilid ng kalsada.



Sa pagsisiyasat ng Nagcarlan PNP, isang empty she’ll ng hindi pa mabatid na kalibre ng bari ang nakita sa crime scene.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen. (Roy Tomandao)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">