Advertisers
SA halip na ihatid sa bahay, sa hotel dinala ng isang rider ng motorcycle taxi at ginahasa ang lasing na 21-anyos na pasaherong babae sa Maynila.
Sa ulat, makikita pa sa CCTV camera sa loob ng isang hotel sa Santa Cruz, Manila na akay-akay ng lalaki ang biktima na halos hindi na makalakad hanggang pumasok sila sa g kuwarto.
Ayon sa pulisya, nag-book ang biktima ng motorcycle taxi 5:00 ng umaga ng Setyembre 3 sa Malate.
Napansin ng biktima na habang nasa biyahe tila paikot-ikot sila ng rider hanggang dalhin siya sa hotel.
“Tinulungan pa siya ng bouncer para isakay sa likod dahil sa sobrang kalasingan niya. Noong on the way dahil sa sobrang hilo niya at feeling niya malalaglag siya sa motor, nagpaalam siya sa rider na kuya baka puwede akong umakbay sa’yo at tumuko yung ulo ko sa’yo dahil sa sobrang lasing ko. Nag-okay naman ang rider,” ayon sa MPD Station 3 Commander, Lt. Colonel Leandro Gutierrez.
Nagising ang biktima sa loob ng kuwarto ng hotel. Mabilis siyang tumakbong palabas nang makitang nagbibihis ang lalaki at humingi siya ng tulong.
“Ang sinabi ng victim natin, ‘hindi ko po kilala ‘yan [rider].’ Lalapitan na ng mag-live-in partner [na nasa hotel] yung rider para harangan, bigla siyang sumakay sa motor at humarurot,” ayon pa kay Gutierrez.
Nang araw din na iyon, nagsumbong sa pulisya ang biktima. Nakilala ang lalaki na si Meynard Flores Jr., base sa ginawang pag-booked ng biktima sa motorcycle taxi.
Sinampahan na ng reklamong rape ang suspek.