Advertisers

Advertisers

‘Kalapati at condom gamit sa pagpasok ng shabu sa Bilibid’

0 184

Advertisers

MAY kakaibang pamamaraan na ngayon kung bakit nakakapasok ang shabu sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng kalapati o ‘di kaya ay pinapalaman ito sa condom.

“Ang makakalusot po, ang usong-uso po ngayon ay ‘yung condom nilalagay po doon ang shabu tapos nilalagay sa puwerta ng mga babae. Hindi naman po puwedeng… baka kasuhan naman po kami ng human rights,” pahayag ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Gregorio Catapang, Jr. sa pagdinig ng Senate committee on justice and human rights.



Maliban diyan, ayon kay Catapang, may isa pang pamamaraan ang mga inmate kungsaan nag-aalaga sila ng kalapati na siyang maghahatid ng shabu sa kulungan.

“Ang pinaka-latest po ngayon ay ang mga kalapati – ang mga bata o bisita nila ay may dalang itlog. I-incubate doon and after so many months mapipisa tapos palalakihin ito at tuturuan ang mga kalapati na maglipad-lipad sa paikot,” kwento ni Catapang. “Pagdating ng mga bisita ay ibibigay ang kalapati at matututo na bumalik sa kanilang pugad.”



Sabi pa ni Catapang, kailangan nila ng mga high-end ng mga kagamitin para labanan ang mga iligal na aktibidad sa loob ng NBP.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">