Advertisers

Advertisers

Alfamart sa Cavite, 6 beses hinoldap

0 129

Advertisers

SA ikaanim na beses, muling pinasok ng holdaper ang isang convenience store at tinangay ang P5,000 kita nito sa Kawit, Cavite, Linggo ng gabi.

Sa report, ang Alfamart branch sa Barangay Sta Isabel, Kawit, Cavite ang hinoldap.

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang mga holdaper na inilarawan na may taas na 5’4”, nakaputi na sando, itim na maong pants, may tattoo sa kaliwa at kanang balikat, nakaitim na cap, at katamtaman ang pangangatawan ang kasama nitong nagsisilbing look-out.



Sa ulat, 7:50 ng hapon nang pumasok ang isa sa mga holdaper sa Alfamart at nagpanggap na customer habang ang kasama nito ay nagsilbing look-out.

Pagdating sa counter, kunwang magbabayad subalit naglabas ng baril ang lalaki, tinutukan ang shift leader na si Tyrone Mikko Palo, nagdeklara ng holdap, kinuha ang P5,000 kita ng tindahan, at tumakas sakay ng isang tricycle.



Sa datos, ito na ang pang-anim na beses na hinoldap ang Alfamart Convenience Store sa loob lamang ng limang buwan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya .

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">