Advertisers

Advertisers

25 eskarsyonista nalason sa kontaminadong pagkain

0 39

Advertisers

NALASON sa dala-dalang kontaminadong pagkain ang nasa 25 katao na nag-outing sa Barangay Sawang, Lobo, Batangas nitong Sabado April 4, 2026.
Ayon sa report na nakalap ng Regional Health Unit ng Lobo Local Government Unit, nagmula ang apatnapung indibidwal na eskarsyunista sa Calamba City, Laguna para dumayo sa nasabing bayan at nagcheck in sa isang resort.Pinaghihinalaang galing sa kontaminadong buttered shrimp na may halong tahong na baon ng grupo ang naging sanhi ng insidente. Ilang oras matapos umano itong kainin 25 sa kanila ang nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae, na agad dinala sa nasabing ospital para sa agarang lunas.
Dahil sa pangyayari agad ipinag-utos ni Lobo Mayor Geronimo Alfiler, sa mga tauhan ng Regional Health Unit, Disease Survelance at Sanitary Inspector ng LGU na magsagawa ng imbestigayon sa tulong ni Barangay Chairman Daniel Ramirez.
Masuwerteng walang naiulat na malubha sa nangyaring food poisoning at nakauwi na ang mga biktimang dinala sa pagamutan.(Koi Laura)