WILD DREAM RECORDS Ni Marion 2 Years Na And Continue Growing; DJ Alvin At Direk Bong May Nilulutong Big Project Kay Ysabella Orandain
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
TAONG 2021 nang itayo ng isa sa pinakasikat na Viva Artist na si Marion Aunor ang sariling Music Label na WILD DREAM RECORDS at suportado siya ng Viva Records ni Boss Vic del Rosario.
Malaking parte ng singing career ni Marion ang Viva Records at dito siya nakilala sa pagkanta ng mga themesong ng mga blockbuster movie ng Viva Films like
“AKALA KO” for the movie The Day After Valentine na umabot sa more than 27 million streams, “DELIKADO” from “Just A Stranger,” ang themesong ng Sharon Cuneta starrer na “Revirginized” na “Maganda Kahit Matanda” na part din ng movie si Marion.
At ang mga kanta tulad ng NOSI BALASI at TRAYDOR NA PAG-IBIG etc na naging soundtrack ng all time highest grossing film na “MAID IN MALACANANG.” Ngayon ay cine-celebrate naman ng Wild Dream Records ng pop artist at top caliber singer-songwiter na si Marion ang kanilang 2nd year anniversary.
Kung saan maliban sa kanya ay may tatlo siyang talent artists na pawang nangangarap na makilala at lahat ay maipagmamalaki niya. Sila ay sina Matt Wilson na yung single na “ALITAPTAP” ay nasa 100K streams na, and still counting, “AHON” ni Pecado at Minimal Days para sa single na, “11, 100 KM.”
Abangan din si Marion sa bago nitong movie sa Viva Films na “GLIMPSE OF FOREVER” ni Direk Jason Paul Laxamana. Tatanggap din pala ng bagong award si Marion sa PHILIPPINES DISTINCT MEN & WOMEN OF EXCELLENCE. Igagawad sa said singer-actress ang “DISTINCT FEMALE SINGER/SONGWRITER OF THE YEAR.” Gaganapin ang awarding sa Manila Grand Opera Hotel ngayong Oct.27.
Sa lahat ng mga achievement na ito ni Marion, bukod sa sister na si Cool Cat Ash, ay very proud sa kanya syempre her beloved Mom Maribel Aunor. Kababalik lang ng mother and daughters mula sa kanilang masaya at very memorable na European Tour!
***
ANG edge ni Ysabella Orandain sa ibang newcomers, bukod sa mahusay itong umarte ay maganda ang kanyang PR. Yes, just like her very loving and supportive Mom Cris Myla, very sweet at magalang sa mga kasamahan niya sa indistriya si Ysabella. At ate siya ng mga child stars.
Kapag iniinterbiyu naman ang pretty young actress and dancer ay alam mong may laman ang kanyang utak sa ganda at maayos nitong mga sagot sa tanong. Mapapabilib ka talaga sa isa sa pangunahing bida (Ysabella) ng educational-drama film na, “MENSAHE (THE UNFORGETTABLE MESSAGE) ni DJ Alvin as one of the producers and M STUDIO ni Direk Mark Agcaoili na siyang direktor din ng nabanggit na movie. Also, science-fiction movie series na “GENIUS TEENS” na kasalukuyang umeere sa IBC13 tuwing Sabado ng 5:00 PM.
Maganda rin ang role na ibinigay kay Ysabella ng director ng series na si Direk Paolo Bertola na malayo at malayo na ang narating ng film series. Kaya malaki rin ang pasasalamat ng young actress sa director nilang ito at sa producer na UTMOST CREATIVES and PELIKULAMANIA.
By the way, may niluluto palang magandang project para kay Ysabella sina DJ Alvin at Direk Bong. Versatile actress pala si Ysabella na pwedeng bida at contravida at kaya ring mag-action dahil sa husay sa stunts and routines. Well, namana yata niya ito sa kanyang Daddy na isa sa mga PSG ni Presidente Bongbong Marcos.