Advertisers
Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf nang maka-enkwentro ang mga tropa ng 101st Infantry Brigade at 18th Infantry Battalion sa Barangay Felang, Ungkaya Pukan, Basilan Province nitong Huwebes ng hapon..
Kinilala ni Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr. ang napatay na terrorista na si alyas Botak, na tauhan ng una nang napatay na ASG sub leader Furuji Indama.
Nakasakay si Botak sa motor na may dalawa pang kasama nang ma-intercept ng mga tropa, at nagkaroon ng 5 minutong palitan ng putok na ikinasawi ni botak.
Kasalukuyang tinutugis ng mga tropa ang dalawa pa nitong kasamahan na nakatakas matapos ang insidente.(PFT team)