Advertisers

Advertisers

450 PDLs NG BUCOR, INILIPAT SA IWAHIG PRISON AND PENAL FARM SA PALAWAN

0 51

Advertisers

INILIPAT ngayon ng Bureau of Corrections ( BuCor) ang 450 persons deprived of liberties (PDL) sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa, Palawan bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap nitong i-decongest ang mga penal facility sa bansa.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., ang 396 PDLS mula sa medium security compound, apat mula sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City at 50 mula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City ay sinamahan ng 150 guwardiya sakay ng commercial vessel na 2GO.

Dahil dito, umabot sa mahigit 1,500 ang kabuuang bilang ng mga PDL na inilipat sa IPPF at Sablayan Prison at Penal Farm sa Occidental Mindoro.



Sinabi ni Catapang na umalis ang mga PDL sa Port of Manila ng madaling araw ngayon at inaasahang darating sa Puerto Princesa bukas ng tanghali (Oct. 1).

Bukod sa decongestion, ipinatutupad ang “Oplan Lipatan” para ihiwalay ang PDL sa mga masasamang aktibidad.



Ito rin ay bilang paghahanda sa planong pagsasara ng NBP at CIW sa 2028 dahil ang 357-ektaryang pag-aari ng NBP ay gagawing commercial hub na tinatawag na BuCor Global City at government center, ani Catapang.

“Kailangan talaga nating isara ang NBP dahil hindi na praktikal na manatili tayo dito kung saan matatagpuan ang mga high-end residential subdivisions at ang mga residente sa paligid ay nangangamba sa kanilang kaligtasan sakaling may makatakas na bilanggo,” dagdag ni Catapang. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">