Advertisers

Advertisers

Mayor Honey, nanguna sa paggunita ng ‘Museum and Galleries Month’

0 41

Advertisers

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang paggunita ng lungsod ng ‘Museum and Galleries Month’ ngayong October sa pamamagitan ng pagbubukas ng solo art exhibit tampok ang mga paintings na ginawa ni Vice Mayor Yul Servo-Nieto.

Sa nasabing exhibit, pinasalamatan ni Lacuna si Servo kasabay ng pag-aanunsyo nito na ang lahat ng kikitain sa nasabing exhibit ay mapupunta sa ‘Manila City Hall Band.’

“Congrats, di ka lang isang magaling na lingkod-bayan at artista, isa ka ding magaling na manlilikha ng magagandang obra. Ang pinakamaganda pa po diyan, lahat ng pinagbebentahan ng ginagawa niya ay may pinupuntahang tinutulungan. Ngayon, ang proceeds ay mapupunta sa Manila City Hall Band. Ang swerte naman ninyo,” pahayag ni Lacuna sa kanyang maiksing mensahe.



Idinagdag pa nito na: “Tunay na malikhain ang aking Vice Mayor. Nakakamangha kung saan ka kumukuha ng panahon para gawin lahat ito pero sabi nila, kung gusto mo talaga ang ginagawa mo, may paraan…Hindi biro… third na ito. Una ‘yung Pinto Museum, tapos Manila Hotel at pinakamalaki itong third exhibit na angkop na angkop sa pagdiriwang ng Museum and Galleries Month.”

Ang event ay inorganisa ng Department of Tourism, Culture and the Arts (DTCAM) sa ilalim ng direktor nito na si Charlie Dungo, at dinaluhan din ng mga city officials, Councilors at pribadong indibidwal.



Sinabi ni Servo na mula sa mga scrap metal, gumamit siya ng stainless sa kanyang mga bagong obra maestra kung saan tampok ang LRT, MRT, Skyway at mga ilang lugar sa Maynila tulad ng Sta. Ana, San Miguel, Sta. Mesa, Intramuros, San Andres, Binondo, San Nicolas at Quiapo.

Bahagi din ng exhibit ang sample ng trophies na ginamit sa Manila Film Festival, kasama ang mga towers of power, courage, wisdom, friendship at themes tulad ng organizer, timekeeper, windbreaker at memories, at iba pa.



Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Servo si Lacuna at ang members ng Manila City Council kung saan siya ang Presiding Officer, at sinabing ang kanilang suporta ang nagbibigay inspirasyon sa kanya at dahil dito ay nagiging madali ang kanyang trabaho.

Tinawag na, “Directions 3,” ang solo art exhibit ni Servo ay tatagal mula October 2 hanggang October 13, 2023 sa Bulwagang Rodriguez, 2nd floor, Manila City Hall .

Sinabi ni Lacuna na mapalad siya dahil isa siya sa mga unang nakatanggap ng artwork ni Servo dahil ipininta siya nito bilang direksyon kung saan naroroon ang kanyang tirahan sa Bacood, Sta. Mesa. (ANDI GARCIA)