Advertisers

Advertisers

MORO MORO SA BUREAU OF CUSTOMS

0 45

Advertisers

Nasampahan na ng Bureau of Customs ang tatlong rice importers na may kinalaman sa bodega ng bigas na kanilang sinalakay.

Bukod sa apat na smuggling complaints ay mayroong tatlong kaso ng economic sabotage habang ang isa ay ang paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act sa ilalim ng agricultural product smuggling.

Magugunitang noong Agosto ay sinalakay ng BOC ang nasabing bodega sa Bulacan at nakia dito ang ilang sako ng mga imported rice.



Inaayos na rin ng ahensiya ang pagsampa ng kaso sa mga smugglers sa Zamboanga City na sinalakay nila noong nakaraang mga linggo.

Pero sa mga sinampahan ng kaso,tila walang mga pangalang binanggit ang praise este press release ng Bureau of Customs.



Nakaligtaan nga lamang ba o sinadyang walang pangalang binanggit?

Bakit?



Para di mahalatang moro- moro lamang ang kinasuhan.

Sa mga sinalakay at mga kinasuhan kunong rice smugglers, obvious na pawang mga dagang dingding lamang ang mga ito

Mga simpleng galamay ng mga tunay na rice smugglers.

Wala sa istorya ang kupal na Tseka na ang patong at padrino ay ang pamosong si Madam LAM.

Tinatarantado na naman at pinaiikot ng pamahalaang ito ang mga Pilipino.

Iginigisa sa sariling mantika at harap- harapang niloloko.

Kaya kayong mga taga- Customs,wag nyo na kaming paandaran pa!

Bistado na kayo dyan!

Magpakailan man,yang bahong umaalingaw dyan ay di na maaalis pa hangga’t nandyan kayong mga buwayang gutom sa madaliang kuwarta (easy money).

Corruption is here to stay hangga’t ang mga lider na gaya ni PBBM ay patuloy na nagmamalatuba at walang tunay na malasakit sa mamamayan.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com