Advertisers

Advertisers

PAGTATALAGA NI PBBM NG BAGONG DA CHIEF ‘DI NATALAKAY SA SECTORAL MEETING

0 4

Advertisers

NILINAW ng Department of Agriculture (DA) na hindi natalakay sa sectoral meeting sa Malacañang ang isyu hinggil sa pagtatalaga ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ng bagong kalihim ng ahensya.

Ang pahayag ay ginawa ni DA-Bureau of Plant and Industry Director Gerald Glenn Panganiban sa press briefing sa Palasyo matapos ang pagpupulong nitong Martes, Oktubre 3.

Ipinunto naman ni Panganiban na wala siyang awtoridad NA magsalita ukol sa usapin kaya’t ipinauubaya na niya sa mga kinauukulan ang pagbibigay ng pahayag hinggil dito.



Matatandaang napaulat na itatalaga umano ni PBBM ang bilyonaryong si Francisco Tiu Laurel bilang bagong kalihim ng DA.

Subalit ipinaliwanag naman ni Panganiban na maganda ang performance ng presidente bilang pansamantalang pinuno ng ahensya, lalo na sa usapin ng eksportasyon.



Aniya, maliban sa saging, niyog at pinya ay nakapag-export na rin ang Pilipinas ng avocado sa ibayong dagat. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">