Advertisers

Advertisers

Claudine palaban na sa mga taong humaharang ng projects

0 17

Advertisers

Ni BETH GELENA

MAY pahiwatig si Claudine Barretto tungkol sa pinagdadaanan niya.
Aniya, “Lalaban na ako,” hindi naman niya pinangalanan kung sino ang tinutukoy niya.
Nag-post ang aktres ng isang makahulugang mensahe kaugnay sa aniya’y kakaharaping laban.
Wala siyang binanggit kung ano ang laban na tinutukoy, pero tapos na raw siyang protektahan ang mga taong hindi niya pinangalanan.
Nawawala raw ang kanyang mga projects dahil sa dalawang taong ito at sa kanilang mga ‘minions.’
Aniya: “The battle that i’ll be going through. I’m done protecting these people. The witch hunt begins. I’ve been losing projects left and right because of these two people and their minions. Lalaban na ako. #truepa”
Sa naturang post ay pinasalamatan niya ang tinawag niyang kanyang volleyball babies na bumisita sa kanya.
Aniya: “A few days ago, I got a visit from my volleyball babies. I didn’t want them to see me in pain because of certain issues and people who are taking me down again. As an ate to my volleyball babies I’ve to be strong for my little sisters just in case they need me but they came in full force to embrace, pray for & pray with me you my volleyball babies thank u for surprising me when I was starting to isolate & gain strength for the battle ahead.Kai @kaibaloaloa @ken_baloaloa thank you so much for the hugs & to comfort me.
***
Sinabihang malaki ang bunganga
‘DI KO KAILANGAN NG SURGEON O DOCTOR’ — ANNE
SINAGOT ni Anne Curtis ang basher na pumuna ng kanyang bibig or big lips.
Sa Twitter account ng It’s Showtime host ay binweltahan niya ang basher na nagsabing malaki ang kanyang bunganga.
Alam naman ni Anne na may malaki siyang bibig at tanggap niya iyon.
Katunayan, ginagawa pa nilang biro ng mga kapwa It’s Showtime hosts ang kanyang big lips.
Ayon sa basher, ginagawa lang daw ng actress/TV host na alibi ang kanyang malaking bibig para makakuha ng attention sa audience.
Sinabi pa ng basher na kinakailangan daw na dumaan sa surgeon ang TV host para mabawasan ang kanyang malaking bibig.
Eto ang sinabi ng basher na capital letters lahat.
“MEDYO PAPANSIN TONG BIG LIPS NA TO KULANG NALANG IPA SURGEON MO YANG BUNGANGA MO”
Mabait si Anne, pero hindi niya pinalampas ang criticism ng netizen na tila may malaking galit o inggit sa kanya.
Sinagot ng celebrity mom in a nice way ang basher.
Ani ng mommy ni Dahlia, “Hindi ko kailangan ng surgeon or any doctor dahil I was born and blessed with these lips or bunganga as you say.”
Agad na ginawang private ng basher ang kanyang account, pero late na dahil agad nang na-screenshot ang kanyang post.
Kararating lang ni Anne mula sa pagrampa sa kanyang first-ever Paris Fashion Week.
***
JOSHUA AT EMILIENNE 2 YEARS TATAGAL ANG RELASYON
NAG-post ng sweet collage photos ang girlfriend ni Joshua Garcia na si Emilienne Vigier.
Masasabing all out na nga ang relasyon nina Joshua at ng non-showbiz girl.
Hindi man nagpo-post ang actor ng kanilang larawan na dalawa ay hindi naman niya pinagbabawalan si
Emilienne sa ginagawa nito.
Komento ng netizens, “Mature love na ito live in sila.”
“The girl lagi nag popost. Lols”
“She’s genuinely beautiful naman unlike yung mga GGSS.”
“Hndi sa busy si Joshua, kundi parang bawal sa kanya ang magpost ng ganyan?”
“Tapos gusto maging private.. pero nag popost:
“Private meaning stop bothering them with questions with obvious answers. Or ask for specific details.”
Ang collage photos nashinare ni girl ay para na rin sa kaarawan ng aktor.
“Happy Birthday to Joshua”
“Basta ako, I like them together. They look happy naman with each other at wala naman natatapakang ibang tao. Happy birthday to Joshua!”
“prediction ko 2 years sila.. then magpapa cute ulit si guy sa soc med”