Advertisers

Advertisers

Sepak takraw Asiad bronze medalist bisita sa TOPS

0 4

Advertisers

BALIK tanawin ang paghahanda at sakripisyo ng Philippine men’s sepak takraw team tungo sa makasaysayang pagwawagi ng bronze medal sa katatapos na 19th Asian Games sa China sa malayang talakayan sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes (Oct. 12) sa PSC Conference Room sa Malate, Manila

Tampok na panauhin sa TOPS forum ganap na 10:00 ng umaga sina Jason Huerte, Mark Joseph Gonzales, Rheyjey Ortouste, Ronsited Gabayeron at Jom Rafael sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Nakamit ng five-man regu squad ang bronze medal sa team event, gayundin ang three-man duel para sa kauna-unahang medalya ng sepal takraw mula nang maging regular sports sa Asian Games noong 1990.



Nakamit ng Team Philippines ang kabuuang 11 bronze medal, dalawang silver at apat na gintong medalya mula kina pole vaulter Ej Obiena, jiujutsi artists Meggie Ochoa at Annie Ramirez at ang Gilas Pilipinas basketball team.

Inaanyayahan ni TOPS president Beth Santos ng Pilipino Star Ngayon ang mga miyembro at opisyal na makipahol sa talakayan na mapapanood din via livestreaming sa official Facebook page na TOPS Usapang Sports at sa Channel 8 ng PIKO (Pinoy Ako) ang pinakabagong mobile app.

 

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">