Advertisers
Nasamsam ang mahigit P300k halaga ng shabu sa isinagawang buy busy operation ng Caloocan PNP at naaresto ang isang tulak ng ilegal na droga sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naaresto na si alyas “Ian”, 19, ng Brgy. 148 ng lungsod.
Sa report, 12:43 ng madaling araw naaresto ang suspek sa kahabaan ng Edsa Barangay 94.
Nakumpiska sa suspek ang 50 grams na shabu na may standard drug price value na P340,000.00, at buy bust money .
Kasong paglabag sa Section 5 at 11 of Article II of R.A. No. 9165 ang isasampa ng pulisya laban sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)