Advertisers

Advertisers

All eyes on billionaire DA Sec. Laurel

0 16

Advertisers

KUNG may pinamainit mang opisyal ng gobyerno na binabantayan ngayon ng mamamayan lalo ng mga kritiko ng administrasyon, ito’y ang bagong talagang kalihim ng Deppartment of Agriculture, ang bilyonaryong negosyante na may-ari ng pinakamalaking fishing company hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong Asya na si Francisco Tiu Laurel, Jr.

Oo! lahat ng mga mata ngayon lalo ang mga kritiko ng administrasyon ay nakatutok kay Laurel. Bakit? Kasi nga baka puros importasyon nalang ang gawin ni Laurel sa DA sa halip na palawakin ang agrikultura sa bansa.

Batid kasi ng marami na isa sa mga negosyo ni Tiu ay importasyon ng mga produktong agri-fishery.



Nagdududa rin ang marami na baka gamitin lang ni Laurel ang kanyang kapangyarihan sa pagnenegosyo para mabawi ang mga ibinigay na campaign funds kina Pangulong Bongbong Marcos Jr, Senate President Migz Zubiri, Senator Robin Padilla at ilan pang politiko na sinuportahan niya noong 2022 national/local elections.

Sinasabing si Laurel ay nagbigay ng campaign fund na P30 million cash sa kampo ni BBM, P20m kay Zubiri, P8m kay Padilla, at sa marami pang mambabatas sa mababang kapulungan at sa local executives.



Kabilang na si Laurel sa anim na nagbigay ng malaking campaign funds sa kampo ni Marcos noong 2022 elections na nabigyan ng makatas na puwesto sa gobyerno.

Pero naniniwala si PBBM na ang malawak na karanasan ni Laurel sa agri-fishery business ay makatutulong ng malaki para maresolba ang malaking problema ng bansa sa agrikultura. Let’s see!!!



Wish ko naman: Masugpo ang talamak na agricultural smuggling pati petroleum products sa bansa. You know!!!

***

Bigyan-pansin natin itong txt ng concerned citizens hinggil sa talamak na namang kotongan sa vendors sa Quiapo:

“Sir Joey, gusto ko lang po sana makalampag itong mga pulis sa Plaza Miranda (Quiapo) na nanghihingi ng lagay sa vendors. Pag hindi nabagian ng grasya, peperwisyohin ka nila. At masyado na po marami ang mga kolektor nila. Halos 8 kolektor na po nanghihingi sa isang araw, isang PCP lang yun, sa erya ng Quiapo. Bakit ganun kadami ang naniningil? Masaklap pa dun, Sir, pataboy nang pataboy yung mga pulis sa manininda. Pero ‘pag oras na ng singilan dun hahayaan maglatag. Paano naman po yung mga walang benta? Minsan wala pang buena mano, nagsusulputan na mga kolektor, wala kang choice kundi magbigay ng pera para hindi hulihin, kasi hindi na masoli yung tinda. Sana po makarating ito sa bagong hepe ng Manila Police District lalo na kay Mayor Lacuna,” Quiapo vendor

Nung si Gen. Dizon ang MPD Chief, walang reklamo ang vendors sa Quiapo. Bakit dito sa pag-upo ni Colonel Ibay ay dumami ang reklamo sa kotong? Mukhang malupit ang “kolektor” ng tanggapan ni Chief ah?

May advise: Kunan nyo ng video ang kolektor at ipost!