Advertisers

Advertisers

Ayaw ko na pong tumuloy: Biktima, umaming illegally recruited

0 18

Advertisers

ISANG biktima ng human trafficking ang umamin na siya ay illegally recruited matapos ang secondary inspection ng immigration.

Ayon sa mga miyembro ng immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) ng Bureau of Immigration (BI), ang biktima na si alias Nina, ay ni- referred para sa secondary inspection dahil sa napakaraming hindi pagkakatugma sa mga sinasabi nito habang isinasailalim sa primary inspection.

Noong una ay sinabi niya na siya ay papuntang Hong Kong at Macau noong November 3 para sa 4-day tour.



Nang siya ay nasa harapan na ng secondary inspection officer, biglang sinabi ni Nina na ayaw na niyang tumuloy sa kanyang flight at inamin na siya ay patungo talaga sa United Arab Emirates (UAE) kung saan siya ay illegally recruited para magtrabaho bilang household service worker (HSW).

“Aamin po ako sayo. Papunta ako sa UAE pagkatapos kong mag-tour sa Hong Kong,” sabi ni Nina.



“Pero ayaw ko nang tumuloy kasi kinakabahan ako. Parang may kakaiba sa biyahe ko na ito,” dagdag pa nito.

Inamin ng biktima na siya ay na-recruit ng isang Filipina na nakilala niya sa Facebook, at inalok siya ng P30,000 bilang buwanang sahod.



Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na tama ang ginawang desisyon ni Nina dahil ito ay posibleng magligtas sa kanya sa higit pang kapahamakan sa ibang bansa.

“We are glad that our constant reminders are reaching our kababayan,” sabi ni Tansingco.

“Ultimately, the decision to protect oneself would come from the individual. Let us not put ourselves in danger by agreeing to departing through illegal means,” dagdag pa nito.

Ang kaso ni Nina ay agad na inindorso sa inter-agency council against trafficking, na nagbibigay ng tulong at agad na nagsagawa ng imbestigasyon laban sa kanyang recruiter. (JERRY S. TAN/ JOJO SADIWA)