Advertisers

Advertisers

13-anyos ginahasa, pinatay at ibinasura sa tabing ilog

0 12

Advertisers

NATAGPUANG bangkay ang 13-anyos na dalagita na nakagapos, walang saplot pang-ibaba, sa loob ng isang sako malapit sa ilog ng Barangay San Jose sa Pili, Camarines Sur, Linggo ng madaling araw.

Ang biktima, na pinaniniwalaang ginahasa, ay itinago sa pangalang “Ana” , Grade-8 student, residente ng Zone-7, River Site, Brgy San Jose.

Sa ulat, 2:00 ng madaling araw nang mapansin ng ilang residente ang isang sako sa tabi ng ilog na malapit sa palayan. Nang kanilang tingnan, tumambad sa loob ng sako ang isang batang babae na nakagapos, patay, at walang suot pang-ibaba.



Ayon sa ina ng biktima, umalis sa kanilang bahay ang anak 11:00 ng umaga ng Sabado, subali’t hindi na nakauwi.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa kalunus-lunos na sinapit ng dalagita.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">