Advertisers

Advertisers

Wala nang papatol sa ‘destabilization plot’

0 14

Advertisers

MATAPOS ianunsyo ni AFP Chief, General Romeo Brawner, sa harap ng mga sundalo na mayroong grupo na ‘di aktibong uniformed personnel ang disgusto sa administrasyon ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr.

Nagbabala pa si Brawner na hindi magtatagumpay ang sinomang nagbabalak magpabagsak sa administrasyon. Nakahanda, aniya, ang santadahang lakas para proteksiyunan ang gobyerno.

Kulang nalang sabihin dito ni Brawner na hindi magtatagumpay ang mga nagbabalak ng kudeta.



Pero ang lahat nang ito ay nilinaw ni Brawner. Na-misquote lang daw siya. wala aniya silang natutunugan na destabilization plot sa administrasyon.

Maging si PNP Chief, General Benjamin Acorda, Jr., ay nagpahayag din na wala silang namo-monitor na destabilization plot sa kanilang hanay.



Napakinggan ko ang speech ni Brawner ukol dito. Talagang binanggit niya na may mga ‘di aktibong AFP officials ang disgusto sa administrasyong Marcos. Jr.

Natural lang naman, mga pare’t mare, sa bawat administrasyon na may mga dating opisyal ng militar at pulisya ang komokontra lalo yung mga nakatulong sa kampanya pero hindi nabigyan ng puwesto. You know!



Para naman kay dating PNP Chief at dating Senador “Ping” Lacson, ang sinabi ni Brawner tungkol sa balak na destabilization plot vs Marcos, Jr administration ay isa lamang krusada para sa ‘honest at clean’ elections sa mga sunod na halalan. Ang naturang protesta ay hindi naman, aniya, nakadirekta kay PBBM.

Ito, aniya, ay nagsimula sa TNTrio rally na dinaluhan ng nakararaming retired uniformed personnel para suportahan ang krusada ni dating DICT Secretary Eliseo Rio para sa future clean and honest elections.

Ang protesta ay laban sa Smartmatic at COMELEC sa kanilang kabiguan at pagtanggi na linawin ang 20 million votes na mahiwagang nabilang sa hindi kapani-paniwalang napakaikling oras.

Ang naturang protesta ay hindi nakadirekta kay PBBM. Maari lamang ginawa itong bentahe ng ilang political group para sa kanilang political agenda. Mismo!

Sa totoo lang, mga pare’t mare, wala nang pumapatol sa destabilization plot o kudeta. Nagsawa na ang mga Pinoy magmartsa sa kalye. Dahil at the end ay sila-sila parin naman ang uupo sa gobyerno at ganun din ang gagawin, ang magnakaw sa kaban ng bansa, samantalang ang mamamayan na nagmartsa sa kalye, nganga!

Oo! Naalala n’yo ba ang EDSA 1 at EDSA 2, may nangyari ba sa buhay nating Filipino? Umangat ba ang ekonomiya ng Pilipinas? Hindi! Lalo pang nabaon sa utang ang bansa lalo sa nakaraang administrasyong Duterte kungsaan nabaon sa P13 trillion ang utang ng Pilipinas mula lamang sa P5 trillion ng late PNOY administration.

Kaya ‘di na oobra yang destabilization na sinasabi ni Gen. Brawner. Wala nang papatol! Peks man!!!