Advertisers

Advertisers

IKALIMANG GRUPO MULA SA ISRAEL, DUMATING NA SA BANSA

0 19

Advertisers

DUMATING na ang ikalimang grupo ng returning Overseas Filipino workers ( OFWs) kasama ang abo ng Pinay na kabilang sa mga namatay sa madugong pag-atake ng Hamas militant group sa bansang Israel.

Ang 5th batch ay binubuo ng 22 returning OFWs at isang sanggol. Labingsiyam sa kanila ay caregivers habang ang tatlong iba pa ay nagtratrabaho bilang hotel workers.

Ibat-ibang nakakatakot na karanasan ang ibinahagi nilang kuwento dahilan nang kanilang pagka- trauma.



Ang abo ng OFW na si Mary Grace Prodigo-Cabrera ay inuwi ng kanyang kapatid na si Mary June Prodigo.

Si Mary June ay isinabay sa flight ng Etihad Airways na sinakyan ng ika-limang batch ng repatriates mula Israel.



Sumalubong din ang iba pang kaanak ni Mary Grace kabilang na ang kanyang ina na si Ginang Paterna Prodigo na halos himatayin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 , Pasay City. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">